Wednesday, September 18, 2024

VP SARA DUTERTE- MULING SUMALANG SA KAMARA

Hindi pan man pormal na nagsisimula, kinuwestyon na agad ni Vice President Sara Duterte  ang lyunin ng ikinasang pagdinig ng House  Committee Good Government and Public Accountability patungkol sa mga isy sa budget ng Office of the Vice President .

Humarap si VP Sara sa imbestigasyon na nag-ulat sa privilege speech ni Manila Representative  Rolando Valeriano na may kaunayan sa pagtangging sagutan ang mga tanong hinggil sa panukalang budget ng  OVP at findings ng Commision on Audit sa nagdaang paggastos.

Bago  ang interpelasyon ay pumalag ang pangalawang pangulo sa atas ng komite na sumailalim sa oath-taking ang resource persons dahil base umanosa House rules ay witnesses o testigo lang ang dapat nanunumpa.

Idinipensa siya ni dating Pangulong at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng point of order at binanggit sa senado pati na ang Supreme Court rulling na nagpapaliwanag sa kaibahan ng isang akusado at testigo.

Nanindigan din ang Bise-presidente na wala silang ginawang masama sa OVP lalo na ang paratang na nagpapaliwanag sa kaibahan ng isang akusado at testigo.

Punto ni Duterte, ang mga anbanggit sa privillege speech ni Congressman Valeriano na may kinalaman sa misfeasance, nonfeasance and malfeasance" ay mga isyung dapat ay hinaharap sa korte at hindi sa isang inquiry in aid of legislation.

Sakaling mau audit findings ang Commision on Audit ay tutugon umano sil at kung may kasong isasampa ay handang harapin sa proper courts.

 

No comments:

Post a Comment