Thursday, September 12, 2024

QUIBOLOY NILAGLAG NG KOJC MEMBER


Mismong miyembro rin ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang informant o nagturo ng kinaroonan ng kanilang wanted na leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Philippine National Police Pro 11 Direct PBGen. Nicolas Torre lll, ilangbabaeng mimbro ng KOJC ang informant sa pinatataguan ni Quiboloy.

Bukod ito sa knilangintelligence network at gamit na underground gathering radar kung saan namomonitor ang kilos ng isang tao.

Nalinaw ni torre na sasukol at napapalibutan na i Quiboloy ng mga trpa ng pulis sa ACQ College of Ministry, sa loob ng compound kayat napilitan nang sumuko.

Samantala, matatanggap ng mga informant ang kabuuang 14 milyong pabuya matpos na masakamay ng mga awtoridad si Quiboloy.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, paghahati-hatian ng mga informant ang nasabing halaga na hindi maaring isiwalat para na rin sa kanilang seguridad. Tikom naman ang bibig ng PNP official sa kinaroroonan ng mga informant para na rin sa kanilang seguridad .

Hindi naman kunpirma ni Fajardo kung ang mga informant ay nasa loob ng KOJC compound sa Davao City.

Una ng inanunsiyo ni Interior Secretary Bebhar AbalosJr. Ag patong sa ulo ng noon ay puganteng pator ay 10 milyon habang tig1 milyon sa ibang 4 kapwa akusado ni Quiboloy na kinabibilangan nina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada at Sylvia Cemanes.




 

No comments:

Post a Comment