May lead na ang pulisya kung saan nagtago si dating presidential spokesman Harry Roque
Ito ang inulat ng tracker teams ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group makaraang magpalabas ang Quad Committee ng arrest order laban kay Roque
"May lead na pero we cannot reveal" sabi ni CIDG spokesperson Lt. Col Imelda Reyes na mayroon na silang lead sa kinaroroonan ni Roque pero hindi muna isasapubliko.
Anya, binusisi rin ang mga impormasyon na natatanggap at isa ay ang tungkol sa CCTV footage ni Roque sa isang lugar.
Binalaan dito ang sinumang nakakanlong kay Roque na ito ay kakasuhan ng obstuction of jutice kung ayaw ibigay ang nalalaman sa pinaghahanap ng batas.
Una nang sinabi ng PNP na si Roque ay nananatiling nasa bansa batay narin sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration.
Sa hiwaly namang panayam sa isang opisyal ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sinabi pamosong resort sa hilagang Luzon.

No comments:
Post a Comment