Thursday, September 12, 2024

P 2B BUDGET NI SARAH BINAWASAN NG KAMARA


 Tinapyasan ng House Committee on Appropriations ng P1.29 bilyon ang hinihinging P2.037 bilyong budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte para sa 2025.

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, Senior Vice Chairperson ng komite, naging unanimous ang desisyonng 139 miyembro ng Appropriation panel na irekomenda na ibaba sa P773.198 milyong ang budget ng Office of the President(OPV) sa susunod na taon.

Ayon kay Quimbo ang mga tinapyasan ay ang pondo para sa supplies (P200 Milyon) Consultants (92.4 milyon) Finacial assistace (947.4 mlyon), rent /lease (P48.3milyon)ay utility expenses (P5 milyon)

Sinabi ng lady solon na ililipat ang tinapyas na pondo sa Assistance to Individuals in crisis situation programng Department of Social welfare and Delvelopment (P646.5 milyon) at medical assistance program ng Department of Health (P646.58 milyon).

Hindi naman ginalaw ang pondo sa personal services na siyang pinaggagalingan ng suweldo at bonus ng mga empleyado. "We are not touching that, we are preserving jobsin the OVP sabi ni Quimbo.

Ayon kay Quimbo ang OVP at ang mga benepisyaryo ng burial, medical,transportaion,at mga kaparehong ayuda na binibigay ng ahensya ay maaari paring makuha sa DSWD at DOH.

Pinunto ni Quimbo na batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), program maraming problema sa implementation." Ililipat lang ang funds sa DSWD and we will ensure na meron syang sapat na allocation doon hanggang doon sa kaayng ma-implent ng opisina nila," sabi ng lady solon.

" Nakita a dama din naman din  naman na subok na ang DSWD at DOH sa mga programang ito kaya  ito ay makakatulong lalo na mas mapalawak ang pa-aabot ng tulong sa recipients, bagay na hindi naging klaro sa mga programadati sa OVP case COA report" dagdag pa nito.

No comments:

Post a Comment