Simula ngayong Sabado ay mapanood na ang ika-anim na season ng The Clash Muling magsisilbing judges sina Lani Misalucha, Chistian Bautista at Ai Ai delas Alas sa naturan reality show ng GMA Network. Tiyak na maraming aral ang matutunan ng clashers o contestants mula sa judges na The Clash 2024." Kailangan talaga ng determinasyon kasi if you really want to sing walang imposible naman sa isang bagay na pinaniniwala mong kakayanin mo," bungad ni Lani sa amin sa Fast talk with Boy Abunda.
Mahalaga rin para sa Asia's Nightingale ang pagkakaroon ng karisma ng isang mang-aawit. Ayon kay Lani ay maari naman itong mapag-aralan ng bawat isa. "Isa rin yan sa pwedeng pag-aralan eh. Para sa akin ang karisma innate na yan eh, natural na yan eh. Minsan naman , Alam mo , pwede mo pang mahasa yan," giit niya.
Para kay Lani ay talagang maipamamalaki sa buong mundo ang talento ng mga Pinoy pagdating sa kantahan.
Gayonpaman ayy hirap pa rin umanong makilala dahil na rin sa iba't ibang tunog ng mga mang-aawit sa bawat panig ng daigdig.
Talagang yunh identity. yung mga kanta nila, yung tunog nila very western. Ang mga music video nila very western parang amerikanong amerikano ang dating. Pero makikita mo talaga na lahat sila ingkit, Koreans. Yung mga Pilipino may mestizo, may itim, walng solid na iisa-isa sasabihin mo na , way1 Pilipino ito," paliwanag ng Asia's Nightingle.

No comments:
Post a Comment