Wednesday, October 1, 2025

Free throw ni Marc Cuenco sumagip sa Mapua vs Lyceum


 
 NAGPAKATATAG si Marc Cuenco sa krusyal na dalawang free throws upang buhatin ang nagtatanggol na kampeong Mapua Cardinals na matakasan ang Lyceum of the Philippines sa loob ng dalawang overtime tungo sa pagtatala sa una nitong panalo, 90-89, sa pagbubukas ng Season 101 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), Miyerkoles.

Kinailangan ni Cuenco na ipasok ang pangalawa nitong free throw sa huling anim na segundo ng laro upang ibigay sa Cardinals ang abante na tuluyan nitong sinandigan upang ipamalas ang kahandaan para sa hinahangad nitong magkasunod na korona. “Alam po namin na talagang paghihirapan namin ang lahat ng mga magiging laban namin. Pinaghandaan namin ang ganitong laro pero hindi po namin inaasahan na mahahatak talaga kami agad,” sabi ni John Recto, na pinamunuan ang Cardinals sa team high na 16 puntos, 5 steals, 3 assists at 9 rebounds.

Hinati ni Cuenco ang kanyang fee throw sa nalalabing 6.8 segundo upang ilagay ang Cardinals sa liderato.

Sa susunod na posesyon, si Lyon Pallingayan ay nagpunta para sa panalo sa isang set shot ngunit hindi nakuha upang malasap ang kabiguan sa Group A.

Tumulong sina rookie Earl Sapasap na may 16 puntos, 4 rebounds at 1 block habang si Cuenco ay 14 puntos tampok ang 2 assists at 1 block. Nag-ambag din si Yam Concepcion ng 13 puntos, 10 rebounds, 2 assists at 1 steal habang si Cyril Gonzales ay may 11 puntos, 1 rebound, 1 assist at 5 steas.

Hindi naglayo ang dalawang koponan mula umpisa hanggang sa pagtatapos kung saan ang parehong mga squad ay nakikipagpalitan ng mga basket na nagpapanatili sa iskor sa pinakamalapit lamang na limang puntos na agwat.

Pinangunahan ni Renz Villegas ang laban ng Lyceum, na naghatid ng mga clutch play na nagpalawig sa laro.

Nagtapos si Villegas na may 23 puntos, apat na rebounds at apat na assists, ginagawa ang lahat para mapanatili ang buhay ng mga Pirates, ngunit ang kalmadong Mapua sa kahabaan ay nagselyo sa panalo ng Cardinals.

Sen. Erwin Tolfu vote yes for Duterte under house arrest #blueribbon #news

BOC hinatak 13 luxury car ng mga Discaya


 Inilipat na sa Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Maynila ang 13 luxu¬ry car ng mga Discaya na inisyuhan ng warrant of seizure.

Ang mga sasakyan ay kinuha sa St. Gerard Cons¬truction compound sa Pasig City pasado ala-1:00 ng madaling-araw at dinala sa pasilidad ng BOC sa Maynila. Ayon sa BOC, pito sa mga ito ay walang import entry at walang certificate of payment tulad ng Toyota Tundra, Toyota Sequoia, Rolls-Royce Cullinan, Mercedes-Benz AMG G63, Mercedes-Benz G 500, Lincoln Navi¬gator 2021 at Bentley Bentayga.

Habang, anim naman ay may import entry pero walang certificate of payment. Kabilang dito ang Lincoln Navigator 2024, GMC Yukon Denali, Cadillac Escalade 2021, Masera¬ti Levante Modena, GMC Yukon XL Denali at Cadillac Escalade ESV.

Sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, maaaring kumita ng P220 milyon ang gobyerno oras na mapatunayan na pinuslit lamang ito sa bansa at masubasta ito sa publiko.

“Sisiguradin namin na kapag ginawa ‘yan, magiging transparent at competitive iyong magiging auction or bidding upang iyong magi¬ging koleksyon ng pamahalaan simula diyan sa mga sasakyan na ‘yan ay magagamit para sa mga programa ng ating gobyerno,” wika ni Nepomuceno.

Sa pagtaya ng BOC ang hindi nabayarang import taxes sa 13 luxury vehicles ay P110 milyon.

“That means we’re looking at a minimum of P200 million worth of collection from these vehicles once we auction this,” saad ni Nepomuceno.