Sunday, September 28, 2025

Jericho, Janine binabantayan mga ganap sa Africa

 

Tsinika ni Jericho Rosales na third time na siyang nag-celebrate ng kanyang birthday sa Africa.

Nasa Africa kasi sila ngayon ng girlfriend na si Janine Gutierrez.

Actually, belated birthday celebration na iyon dahil noong September 22 pa ang 46th birthday ng aktor.

Anyway, binabantayan ng mga faney ang mga ganap nina Jericho at Janine ngayon sa Africa.

Marami nga ang masaya dahil hindi naglilihim ang dalaga sa mga ginagawa nila at talagang todo-todo ang pagpapakita ng kanilang pagmamahalan.

Sa October 2 naman ang 36th birthday ni Janine at wish nga ng mga faney na i-share rin niya kung ano ang espesyal na gagawin nila ng kanyang boyfriend sa araw na iyon.

‘Yun na! 

Heart nabawasan ng mga follower sa IG

 

Tsika nga ng mga tambay sa online world, mukhang sinasadya raw ito ni Heart bilang sagot sa mga kumakalat na tsismis sa cyber universe na isa-isa nang nag-aalisan sa kanya ang kanyang endorsements at bilang “sampal” na rin sa mga kuda ng bashers.Pero kapansin-pansin din ang tila lumalaking bawas sa bilang ng mga follower niya sa Instagram, ha!

May mga socmed post kasi noong July na pang-apat si Heart sa Most Followed Pinoy sa IG na may total 16.7M followers, pero as of now, mayroon na lang siyang 16.2M followers.

Sa loob lang ng dalawang buwan at mula nga nang madawit ang pangalan ng mister niyang si Senator Chiz sa isyu ng korapsiyon ay nabawasan na ang fashion icon ng mahigit kalahating milyong followers.

Paano kaya ipapaliwanag ng kampo ni Heart ang tungkol sa followers niya sa IG na nabawas?

Well…

Alex Eala ibubuhos ang ngitngit vs Katarzyna Kawa sa ‘Sushou’

 

HINDI pa man gaanong nakakapagpahinga si Women’s Tennis Association world No. 58 Alexandra “Alex” Eala agad siyang babalik sa aksiyon para sagupain si world No. 124 Katarzyna Kawa ng Poland.

Kaugnay ito sa opening round ng $115,000 (P6.6 million) 9th Suzhou WTA 125 sa Sungent International Tennis Center ng Yangcheng Lake Peninsula Tourist Resort sa Suzhou, Jiangsu, China sa Setyembre 29-Oktubre 4.

Fourth seeded ang 20-anyos Pinay netter at Globe Ambassador na kakagaling lang sa semifinals finish ng $160,000 1st Jingshan Open Tennis sa Hubei, halos walong oras ang layo (751km, travel by land) sa Jiangsu.

Top 3 seeds sina WTA No. 37 Iva Jovic ng United States, No. 44 Tatjana Maria ng Germany at No. 57 Suzan Lamens ng Netherlands.

Sasabak din sa torneo ang tumalo kay Eala sa Final 4 at nagkampeon sa Jingshan Open na si Lulu Sun ng New Zealand na agad na makakatapat ni Jovic sa isa pang Round of 32 match.Kasing taas sa 5-foot-9 ni Eala ang Polish tennis player na 32-anyos, may career highest rank No. 64.