Sunday, September 28, 2025

DOJ Asec Mico Clavano pinitik si Sarah Discaya sa finger heart: Umayos ka!

 

Hindi pinalagpas ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) ang pa-finger heart ng contractor na si Sarah Discaya nang kumustahin ng media sa pagdating niya sa naturang tanggapan nitong Sabado, Setyembre 27.

Kasama ang pa-finger heart ni Discaya sa pagsusuri ng DOJ kung karapat-dapat siyang ipasok sa Witness Protection Program (WPP).

Pahayag ni DOJ Assistant Secretary at spokesperson Mico Clavano nitong Linggo, “The heart sign and the remarks of Ms. Sarah Discaya are all taken into account in the assessment and evaluation of the persons involved. It is a sign of insincerity and complacency.”

“We urge all persons of interest in this case to behave accordingly,” dagdag pa niya.

Kasama niya Sara ang asawa niyang si Curlee Discaya na nagtungo sa DOJ nitong Sabado ngunit magkahiwalay silang dumating upang magsumite ng karagdagang ebidensiya sa umano’y mga anomalya sa flood control projects. (Angelika Cabra)

Testigo ni Marcoleta galawang Ador Mawanay

 

Lumulutang ngayon ang anggulong katulad din ni Antonio Luis Marquez alyas “Ador Mawanay” ang testigo ni Senador Rodante Marcoleta na si Orly Guteza.

Sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes, inamin ni Marcoleta na si Guteza ay ipinakilala sa kanya ni dating Quezon City Rep. Michael Defensor. 

Saturday, September 27, 2025

Curlee, Sarah Discaya bumalik sa DOJ

 

Bumalik sa Department of Justice (DOJ) nitong Sabado ng hapon ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Gayunman, hindi nagpaunlak ng interview ang dalawa maliban sa ipinaki¬tang finger heart ni Sarah sa media.

Si Curlee, na nasa custody pa rin ng Senado, ay dumating na may kasamang personnel ng Police Security and Protection Group, habang si Sarah ay dumating mula sa hiwalay na sasakyan.

Ang mag-asawang Discaya ay nasa Witness Protection Program ng DOJ pero nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pa sila maituturing na state witness.

Kasama sa mga protected witness sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, mga tinaguriang “BGC Boys”.

Ang affidavit nina Alcantara, Hernandez, Mendoza at dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo ang naging basehan ng National Bureau of Investigation (NBI) na irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa 21 indibiduwal na kinabibilangan nina Senador Francis Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.