Thursday, September 25, 2025

Executive Secretary Lucas Bersamin tumatanggap ng 15% kickback sa flood ...

Jessica winner sa ‘America’s Got Talent’

 

Si Jessica Sanchez ang tinanghal na winner ng “America’s Got Talent” (Season 20).

Gumawa ng kasaysayan ang Filipino-American singer bilang first Filipino and first Southeast Asian winner ng biggest talent competition sa USA.

Siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga viewer pagkatapos niyang kantahin ang duet song nina Bruno Mars at Lady Gaga na ‘Die With a Smile’ noong Miyerkoles (September 24, US time).

Kahit nga buntis at kabuwanan na niya ay binigay ni Jessica ang kanyang best kaya naman nakakuha siya ng full house standing ovation mula sa audience at sa apat na mga judge na sina Sofia Vergara, Simon Cowell, Mel B, at Howie Mandel.

Para kina Simon at Howie, si Jessica ang may pinakamagandang performance sa gabing iyon habang tinawag naman nina Sofia at Mel B na “perfect” at “flawless” ang kanyang pagkanta.

Tinalo ni Jessica ang siyam pang finalists kabilang ang runner-up na si Chris Turner na isang freestyle rapper.

“I’m sorry, I’m really emotional. This is amazing. Thank you so much America,” amg emotional na speech ni Jessica after ng announcement.

Bagay na bagay nga siyang maging winner ng 20th anniversary edition ng “America’s Got Talent” dahil noong Season 1 ay sumali na siya at kahit natalo ay hindi siya sumuko sa kanyang pangarap at muling sumali sa competition.

Kitang-kita rin sa TikTok Live ng programa na tuwang-tuwa si Simon sa pagkapanalo ni Jessica.

Nag-uwi si Jessica ag US$1 million na premyo.

Devin Booker balik bilang pangunahing armas ng Suns


 Desidido si Devin Booker na itodo ang tapak sa silinyador para balikatin ang Phoenix Suns umpisa ngayong 2025-26 season ng NBA.

Edad 19 lang sa kanyang rookie year si Booker nang dumating sa Phoenix, papasok na siya sa kanyang 11th season.
Sa higit isang dekada, nag-evolve si Book bilang isa sa pinaka-asintadong shooting guards ng liga.
Walang duda, ang 29-year-old pa rin ang lider ng team na nagtatangkang bumawi mula sa malamyang kampanya nitong mga nakalipas na season.

Wala na sina Kevin Durant at Bradley Beal, magiging support cast ni Booker sina Jalen Green, Dillon Brooks, Mark Williams at Khaman Maluach.

First year din ang coach nila, si Jordan Ott.
“The leadership aspect is going to be more important than ever this year – just realizing our roster, the age of our roster and the experiences I’ve had and what I’ve seen,” lahad ni Booker. “I’m going to do what I can and I’m always going to use my voice.”

Pumirma si Book ng two-year extension na nagkakahalaga ng $145 million nitong offseason, tali siya sa Suns hanggang 2030.

Siya na ang leading scorer sa kasaysayan ng prangkisa, nilagpasan sina Walter Davis, Kevin Johnson, Shawn Marion, Amar’e Stoudemire at Steve Nash.
Misyon ni Booker na ibalik sa finals ang Phoenix na huli nilang nagawa noong 2021.
“I have unfinished business here,” dagdag niya. (Vladi Eduarte)