Saturday, September 20, 2025
Friday, September 19, 2025
Voltes V Legacy: The Movie, nasa Netflix na
Napapanood na sa Netflix simula kahapon ang Voltes V Legacy: The Movie!
May original title na Voltes V Legacy: The Cinematic Experience, pinalabas ang pelikula sa mga sinehan noong 2023 bago ang TV premiere ng series version nito sa GMA Network. Ito ang first-ever live-action adaptation ng sikat na Japanese ‘70s anime.
Dahil diyan, gumawa ng ingay at kasaysayan sa loob at labas ng Pilipinas ang Voltes V: Legacy na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano, directed by Mark Reyes and written by Suzette Doctolero. (SVA)
Greta, ‘di napilit magsalita
Pinabulaanan ng kampo ni Gretchen Barretto ang kumakalat na balitang nasa ibang bansa ito nung mainit na pinag-uusapan ang nawawalang sabungeros.
Lalo nung nadawit ang pangalan niya sa kontrobersiyang ito, hindi siya nakikita at wala rin tayong naririnig sa kanya.
Ang kumakalat na kuwento ay umalis na raw ito at nasa ibang bansa na.
Nilinaw ito sa amin ng abogado niyang si Atty. Alma Mallonga.
Text sa amin ni Atty. Mallonga, “Gretchen hasn’t left the country for a while. She has no plans to so in the immediate future.”
Kailangan nilang lumabas para sumunod sa proseso na kailangang sagutin ang ibinibintang sa kanya.
Kaya isinumite at sinumpaan ang kanyang counter-affidavit sa preliminary investigation kamakalawa lang sa Department of Justice.
Hindi nagsalita ang dating aktres nang sinubukan itong ambusin ng interview. Wala naman daw siyang masasabi sa ngayon.
Ang abogado na lamang niya ang nagsalita para sagutin ang ilang katanungan.
“As you know, we have said from the very start that the accusations against Ms. Barretto stands on nothing. And if you look at the complaint affidavit, it’s actually recognized, the accusations against her are actually recognized as allegations, unsubstantiated, unproven,” pahayag pa ni Atty. Mallonga.
Sabi pa ng kanyang legal counsel, kulang daw sa kredibilidad ang witness na nagsalita laban kay Gretchen. Kaya inaasahan nilang matapos na agad ito at mapatunayan nilang walang kinalaman si Gretchen sa mainit na isyung ito ng nawawalang sabungeros.
“We don’t want to preempt, but we have made our position very clear. We believe that if justice is to be followed, the complaints against Ms. Barretto should be dismissed forthwith,” dagdag na pahayag ni Atty. Mallonga.
May ilan pa kaming katanungan kay Atty. Mallonga, pero as of this writing ay hinihintay pa namin ang kanyang kasagutan.

