Friday, September 19, 2025

Greta, ‘di napilit magsalita


 Pinabulaanan ng kampo ni Gretchen Barretto ang kumakalat na balitang nasa ibang bansa ito nung mainit na pinag-uusapan ang nawawalang sabungeros.

Lalo nung nadawit ang pangalan niya sa kontrobersiyang ito, hindi siya nakikita at wala rin tayong naririnig sa kanya.

Ang kumakalat na kuwento ay umalis na raw ito at nasa ibang bansa na.

Nilinaw ito sa amin ng abogado niyang si Atty. Alma Mallonga.

Text sa amin ni Atty. Mallonga, “Gretchen hasn’t left the country for a while. She has no plans to so in the immediate future.”

Kailangan nilang lumabas para sumunod sa proseso na kailangang sagutin ang ibinibintang sa kanya.

Kaya isinumite at sinumpaan ang kanyang counter-affidavit sa preliminary investigation kamakalawa lang sa Department of Justice.

Hindi nagsalita ang dating aktres nang sinubukan itong ambusin ng interview. Wala naman daw siyang masasabi sa ngayon.

Ang abogado na lamang niya ang nagsalita para sagutin ang ilang katanungan.

“As you know, we have said from the very start that the accusations against Ms. Barretto stands on nothing. And if you look at the complaint affidavit, it’s actually recognized, the accusations against her are actually recognized as allegations, unsubstantiated, unproven,” pahayag pa ni Atty. Mallonga.

Sabi pa ng kanyang legal counsel, kulang daw sa kredibilidad ang witness na nagsalita laban kay Gretchen. Kaya inaasahan nilang matapos na agad ito at mapatunayan nilang walang kinalaman si Gretchen sa mainit na isyung ito ng nawawalang sabungeros.

“We don’t want to preempt, but we have made our position very clear. We believe that if justice is to be followed, the complaints against Ms. Barretto should be dismissed forthwith,” dagdag na pahayag ni Atty. Mallonga.

May ilan pa kaming katanungan kay Atty. Mallonga, pero as of this writing ay hinihintay pa namin ang kanyang kasagutan.


FULL INTERVIEW: Toby Tiangco on fishing business, Zaldy Co, Nagdra drama...

Mungkahi ni VP Sara na ­ipakidnap si Co, delikado – Castro


 Delikado at hindi magandang mangga­ling mismo sa bibig ng Bise Presidente ang mungkahi na ipakidnap si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na isinasangkot sa maanolmalyang flood control projects.

Ito ang tugon ni ­Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa mungkahi ni Vice President Sara Duterte na ­ipakidnap si Congressman Zaldy Co na kasalukuyang nasa Amerika.

Paliwanag ni Castro, delikado ang mungkahi  ni VP Sara dahil illegal ito lalo na at inakusahan at iimbestigahan pa lamang si Co sa kontro­bersiya sa flood control.

“Ipakidnap si Zaldy Co…tatak Kriminal yan…mali ang ganyang advice mula sa isang Bise Presidente,” saad pa ni Castro.

Hindi rin aniya ­kuwestiyon kung bakit hinayaang magbiyahe si Co palabas ng bansa dahil walang hold departure order ang mambabatas.

Binigyang-diin ni Castro na hindi sakop ng Office of the President ang pagbibigay ng travel authority dahil ito ay hurisdiksiyon ng Office of the House Speaker.

Muli namang binanatan ni Castro si VP Sara sa pagsasabi ng siya mismo ay madalas bumiyahe at hinahayaan siya ng Office of the President kahit na mayroon itong nakabinbing isyu sa korapsiyon na bahagi ng articles of impeachment kaya wala itong ipinagkaiba kay Co na iimbestigahan pa lamang.