Wednesday, September 17, 2025

Hipon at Thai model, mag-jowa na


 Napanood namin ang episode ng The Boobay and Tekla Show noong Linggo, at ang buong akala namin ay replay ito. Kasi special guests sina Herlene Budol at ang leading man niya sa Binibining Marikit na si Kevin Dasom.

Akala namin, in-edit na lang ‘yung episode nung nagpo-promote pa sila ng kanilang afternoon drama, pero bagong episode pala ‘yun.

Nandito pa ‘yung si Kevin na nagmo-model sa Thailand.

Nagkadebelopan pala sila ni Herlene at inamin na nga sa naturang show na nanliligaw siya kay Herlene. “I have courted Herlene already,” pakli niya sa interview sa kanila nina Boobay at Super Tekla. “Not just Herlene but to her parents as well, to her friends and family, to everyone close to Herlene. Everybody that is important to Herlene in her life.

“Herlene has a few friends and a few important people, but they mean a lot to her. So it meant a lot to her to be able to be to talk to everyone. Not just glaze over and I just talk to her, but to approach everyone individually and show that I am being genuine, being honest.”

Ramdam namin ang kilig kay Herlene sa mga tinuran ni Kevin.

Pero hindi pa naman nila inaaming sila na. “Kasi, first time lang din naman... parang kumbaga first time may nanligaw sa akin na ibang lahi, hindi ko rin talaga ma-gets lahat ng sinasabi niya.

“So ako, parang, oo, hindi lang talaga ang sagot ko, parang nagpi-Pinoy Henyo lang kami,” nakakaaliw na sagot ni Herlene.

“Tapos sa Pilipinas kasi, ‘di ba, kailangang mo talaga manligaw nang normal?

“Sabi naman niya, ‘I courted you.’ Sabi ko, ‘Ahhh.’ Siyempre pabebe muna.

Para sa akin, okay na ‘yon. Pero kasi akala niya kapag sinabi kong ‘okay na,’ ibig sabihin kami na. I explained to him naman na…” dagdag niyang pahayag.

Gusto ni Hipon Girl alamin kung seryoso ba talaga si Kevin sa panliligaw. Baka nga naman magagamit lang sa possible project na pagsasamahan nila.

Pero lahat daw ng inuutos niya kay Kevin ay ginagawa nito.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, wala pa silang inaamin sa interview sa kanila sa TBATS, pero ang sweet naman daw nilang dalawa sa studio. Wagas naman daw ang pagkapulupot ni Herlene kay Kevin. Daig daw ang sawa sa pagkalingkis sa Thai model/actor.

Naka-schedule raw ang dalawa na mag-guest sa Fast Talk With Boy Abunda. Aamin na kaya sila roon?

Bakit nga kaya wala pang kasunod na show si Herlene?

Bagong all-male group, pinalakpakan sa rampa

Pursigido si RS Francisco sa pag-develop sa bagong P-Pop group na 6ENSE (pronounced as 6th sense).

Anim na mga cute at talented na bagets ang bumubuo ng all-male group na ito na na-discover ni RS sa FAMAS Awards nung nag-host siya roon kasama si Sam Verzosa.

Sinubukan sila ni RS na mag-perform sa Rampa, pati sa Luxxe White event. Pinagkaguluhan daw ang mga bagets dahil sa galing ng performance nila.

Noong nakaraang linggo ay pinapirma na sila nina RS at Sam bilang bagong Luxxe White Gems. “Nung sinalang ko po sila sa Rampa, ‘sige testing, sayaw kayo sa Rampa.’ Alam n’yo po, ‘yung buong Rampa nagkagulo, nag-enjoy, humingi pa ng encore, humingi pa ng isa pa.

“Kaya nung sabi ko, ‘okay, ang ganda ng reception natin sa Rampa. Try natin sa iba,’” sabi ni RS.

Nung December 2024 lang nabuo ang grupong ito ng 6ENSE na binubuo nina Wiji, Hunter, Roku, Caizer, Axis at LA.

Dumaan sila sa audition, marami ang napili at pinag-training daw sila ng anim na buwan hanggang sa na-trim down sila into six members.

Magkakasama silang nakatira sa isang bahay para mas matutukan ang training at nadisiplina pa.

May dalawang kanta na silang nai-record na sinulat ng isang member nilang si Wiji, ang kantang Amin-Amin at Para Sa ‘Yo.

At sa Sept. 26 ay ilulunsad na nila ang bago nilang kantang pinamagatang Muni-Muni na mapapakinggan na raw sa Spotify at iba pang digital platforms kasama ang tatlo pa nilang kanta.

Sabi ng isang member nilang si Hunter, “‘Yung mga songs po ng 6SENSE, nag-start po talaga kami sa Bubble Gum pop, and right now we’re trying to venture ‘yung mga sound ng OPM. Because we want to connect the OPM and P-Pop together. Touch the fans of OPM ang convert them into a P-Pop fan.

“Gusto po talaga namin i-connect ‘yung mga tao with our music.

“That’s why… ‘yung mga type po ng songs na na-release namin, patent dun sa alam naming papatok sa masang Pilipino. Kasi we are a P-Pop group.”


Derek nag-deactivate, Ellen nakikita na sa ibang bahay?!

 

Hindi mahanap kahapon ang social media page ni Derek Ramsay.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang pictorial ng 7th birthday ng eldest ni Ellen Adarna na si Elias na ipinost ng organizer nitong La Belle Fête.

Pero latepost na ang nasabing mga snap dahil last June pa ang nasabing party.

Kasama rin sa nasabing post ang daughter ng mag-asawa na si Lily.

“Though the celebration was kept simple, we made sure every detail was intentional and true to the theme,” kasama ang mga food cart at activies na na-enjoy ng mga bata at mga adult na bisita.

“What made this celebration even more meaningful was Elias’s choice to give back, a beautiful reminder that birthdays can also be about sharing joy with others,” dagdag ng La Belle Fête.

Si Elias of course ay anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Samantala, paulit-ulit pa rin ang suspetsa na diumano’y hiwalay na talaga ang mag-asawa kahit paulit-ulit din ang kanilang denial.

Si Derek ay consistent na sinasabing iwasan ang pang-iintriga sa kanila at ganundin si Ellen.

Pero iba naman ang nakikita sa kanila sa social media.

Diumano’y sa ibang bahay na rin nakatira si Ellen.

Pero ‘yun nga wala naman silang inaamin o sinasabi.

Classic film na Jaguar, bubuksan ang Sinag Maynila


 Pagkatapos ng international premiere sa 16th Lumière Film Festival in Lyon, France noong isang taon, muling mapapanood sa bansa ang isa sa mga obra ng National Artist for Film Lino Brocka, ang neo-noir crime classic, Jaguar (restored) na magbubukas sa gaganaping 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.

Ang opening ceremonies ay gaganapin sa Tuesday, Sept. 23 at Gateway Cinema 5, at ito ang magsisilbing Asian premiere ng 4K restored version ng Jaguar na collaborative efforts of Film Development Council of the Philippines’s Philippine Film Archive (PFA) division and Cité de Mémoire.

Inaasahan namang darating sa nasabing event ang cast and crew ng pelikula na pinangungunahan ni Phillip Salvador at Amy Austria.

Napanood ito noong 1979, ang Jaguar ay gumawa ng kasaysayan bilang first Filipino film na nominated for the prestigious Palme d’Or ng 1980 Cannes Film Festival.

Isinalaysay nito ang kuwento ni Poldo, isang security guard na nasangkot sa krimen habang pinoprotektahan ang isang mayamang playboy, hinarap ang mga problema sa moral at kalunus-lunos na mga kahihinatnan sa gitna ng pagkakaiba-iba ng uri at ang mapanirang paghahangad ng kasikatan.

Inspired by a news story from the book Reportage on Crime by National Artist for Literature Nick Joaquin, ang Jaguar ay sinulat ni Jose F. Lacaba and National Artist for Film Ricky Lee.

Sinag Maynila celebrates the Philippine Film Industry Month by featuring the restored works ng ating mga National Artist bilang bahagi ng Pambansang Alagad ng Sining section ng Sinag, to be screened in select Metro Manila cinemas together with the competing films.

Kabilang din sa mga mapapanood ang digitally restored 1978 film Atsay, directed by Eddie Garcia, starring National Artist for Film Nora Aunor. Atsay was restored in 2022.

The 61 films in competition will be screened for one week from Sept. 24 to 30, at the official screening venue partners: SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market!, and Gateway Cineplex. Ticket prices are at P250 per admission.