Tuesday, September 16, 2025

Piston to hold transport strike on September 18

Transport group PISTON is set to hold a transport strike on Thursday, September 18.

In a statement, the group said the strike is a protest against corruption amid the flood control project fiasco.

“Hindi na sapat ang puro hearing at imbestigasyon. Dapat may managot! Dapat may makulong,” Piston said in a Facebook post. 

(Hearings and investigations alone are no longer enough. Someone must be held accountable! Someone must be put in jail.)

“Kaya sa Sept. 18, ipakita natin ang galit ng sektor ng transportasyon!” it added.

(So on September 18, let's show the anger of the transportation sector!)

The group has yet to release further details about the transport strike.

It also called on the public to join a massive protest with other groups on September 21 at Luneta Park, Manila.

 

La Niña alert itinaas


 Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang La Niña alert dahil sa posibilidad na maranasan ang pagtaas ng La Niña conditions sa bansa bago matapos ang taon.

Sa climate monitoring at analysis ng PAGASA, nagkaroon pa ng paglamig sa sea surface temperatures (SSTs) sa central at eastern equatorial Pacific.

Batay sa climate models kaagapay ang expert judgements, mayroon nang 70 percent na tsansa na magkakaroon ng La Niña sa bansa sa Oktubre ngayong taon hanggang Disyembre 2025 na posibleng tumagal pa hanggang Pebrero 2026.

Dahil dito, ang umiiral na PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) alert and Warning System ay itinaas na sa La Niña alert.

Kung tuluyang makararanas ng La Niña sa bansa ay magkakaroon ng above-average na dami ng tropical cyclone at mas mataas na tsansa na mararanasan ang above-normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa.

Ang La Niña ay ang pag-iral ng mas maraming ulan kaysa sa normal condition.

Walang banta sa buhay, destab kay Pangulong Marcos - Palasyo

 

Walang banta sa buhay at posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi ito tumuloy sa pagdalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer­ Atty. Claire Castro na maliban sa naging pagbabanta dati ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Presidente ay walang direct threat sa buhay ni Marcos na Nilinaw pa ni Castro na hindi naman nanga­ngamba ang Presidente sa gagawing kilos protesta dahil natural lang ito at ang mga magpoprotesta ay kanyang mga kakampi sa paglaban sa katiwalian na ang adhikain din ay labanan ang korapsyon.

Ang malawakang kilos protesta ay gagawin sa Setyembre 21 ng iba’t ibang grupo para iprotesta ang nabunyag na katiwalian sa flood control projects  kasabay ng panawaggan na papanagutin ang mga nagnakaw sa pera ng taongbayan. rin ng National Security Council (NSC).

Sa kabila nito, iginiit naman aniya ng NSC na hindi pa rin sila magiging kampante sa pagtiyak at bigyan ng seguridad ang buhay ng Pangulo.

Paliwanag naman ni Castro, nais ng Pangulo na tumutok sa mga lokal na isyu lalo at kabubuo pa lamang ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).