Tuesday, September 16, 2025

Kinabit lang e!': Dizon, Magalong nakakita ng 'super substandard' na proyekto sa La Union


 Dismayadong dismayado ang bagong Public Works secretary na si Vince Dizon nang madiskubre ang isang "super substandard" na flood control project sa Barangay Acao, Bauang, La Union.

Kasama niya sa inspeksyon si Baguio City Mayor Benjie Magalong, na ngayon ay adviser na ng Independent Commission for Infrastructure, ang grupong itinalaga ni Pangulong Marcos para imbistigahan ang korapsyon sa infrastructure sector at mga proyekto ng gobyerno.

Dismayadong dismayado ang bagong Public Works secretary na si Vince Dizon nang madiskubre ang isang "super substandard" na flood control project sa Barangay Acao, Bauang, La Union.

Sa inspeksyon ni Dizon at Magalong, nakitang hindi parin tapos ang ini-report nang “completed” na proyekto ng dating administrasyon ng Department of Public Works and Highways noon pang Marso sa ilalim ng kalihim na si Manuel Bonoan.


Monday, September 15, 2025

FULL VIDEO: Dumating si Sara Duterte sa Kamara para sa 2026 OVP budget d...

Brice, ibinalik sa Senate custody

 

Ibinalik na sa kustodiya ng Senado ang sinibak na Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer na si Brice Hernandez nitong Lunes, Setyembre 15.

Ang pagbabalik kay Hernandez ay ginawa matapos ang pagdinig sa kanyang Writ of Amparo petition sa Pasay Regional Trial Court Branch 112.

Mismong ang kampo ni Hernandez ang sumulat kina Senate President Vicente Sotto III at Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson, upang hilingin ang pagbabalik sa kaniya sa Senate Detention Center. Ipinahayag din ng kanyang kampo ang tiwala sa pamumuno nina Sotto at Lacson.

Inaprubahan ni Sotto ang kahilingan kahapon ng umaga, kaya’t nakabalik na si Hernandez sa Senado at sumailalim na rin sa medikal na pagsusuri.

Si Hernandez ay na-cite in contempt sa Senado noong Setyembre 8 matapos umanong magsinungaling at ipiniit sa Senate Detention Facility.

Inilipat siya sa PNP Custodial Center matapos ikanta sa pagdinig ng Kamara ang dalawang senador na umano’y dawit sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Inilipat si Hernandez sa Pasay City Jail noong Setyembre 10 matapos aprubahan ang mosyon sa Senado.

Inaasahang haharap muli si Hernandez sa darating na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.