Tuesday, May 13, 2025

Pinagdarasal na makasampa sa top 12... Sen. Bong, nagpasalamat pa rin


 Lalo kaming napabilib kay Sen. Bong Revilla sa maayos na pananaw kaugnay sa katatapos lamang na halalan.

Nag-post siya sa Facebook ng emoji na praying hard, kaya dinagsa ito ng mga mensahe ng suportang patuloy silang nanalangin na makasampa siya sa top 12.

May kasunod na siyang post sa Facebook ng pasasalamat sa lahat na sumuporta sa kanya.

Sabi niya, “Thank you very much my countrymen! Despite the unexpected, my heart overflows with gratitude for your constant love and support.

As we travelled together across the country, I will never forget every sweet smile, tight hug, and warm welcome. Your trust is engraved in me; as well every drop of sweat and sacrifice of everyone who helped and worked hard in our campaign.

“Serving is a privilege from you and the Lord, and we always commit to God what we do.

“Ever since I started serving the country 30 years ago, I always say that politics should only be 90 days in national and 45 days in local.

“May, now that this is era is over, we find ourselves reunited under our one flag.”

Samantala, ipinroklama na rin si Cong. Lani Mercado bilang Representative ng Lone District of Bacoor. At patuloy lang sila sa panalangin, kung ano talaga ang ipinag-adya ng Panginoon kay Sen. Bong.

Sabi nga ni Cong. Lani, nang maka-text ko siya, ang Panginoon daw talaga ang bahala kung ano ang plano sa kanyang asawa.

Si Cong. Jolo Revilla naman na muling hinalal na Congressman ng 1st district ng Cavite ay nag-post sa kanyang Facebook account ng pananaw niya sa katatapos lang na eleksyon.

Aniya, “Isang araw lang ang eleksyon, huwag nating sirain ang MAAYOS nating RELASYON. Bahala na kung magkaiba ang ating kandidato, manatili pa rin tayo bilang MAGKAIBIGAN.”

Gusto nang tapusin ng National University


 Nais ni reigning MVP Mhicaela “Bella” Belen na maging memorable ang huling taon at season nito sa National University at sa UAAP collegiate league.

Nagtapos ng kursong Psychology at posibleng huling laro na ng 22-an­yos na si Belen sa NU, haharapin nila ang De La Salle University sa Game 2 best-of-three finals ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, nga­yong araw.

Magsisimula ang pa­luan ng bola sa pagitan ng Lady Bulldogs at Lady Spikers sa alas-5 ng hapon.

Sinakmal ng Lady Bulldogs ang panalo sa Game 1 noong Linggo, 25-17, 25-21, 13-25, 25-17 na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kung saan nirehistro ni two-time MVP Belen ang triple double na 19 puntos, 15 excellent digs at 10 excellent receptions habang nagtala ng season-high 21 attacks points si Evangeline Alinsug.

Kaya namumuro ang NU sa pagsilo ng back-to-back titles at maging bongga ang pagtatapos ng collegiate career ni Belen.

Naniniwala si Belen na ang magandang samahan nila sa team ang susi sa kanilang mga tagumpay at ito ang kanyang hahanap-hanapin sakaling sumampa ito sa pro league.

“Malaking bagay ang chemistry, lalo na sa volleyball,”ani Belen. “Kilala na namin iyung bawa’t isa.

Maliban kina Belen at Alinsug, huhugot din ng lakas si NU head coach Sherwin Meneses kina Alyssa Jae Solomon at libero Shaira Jardio.